Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 3:1-9

GENESIS 3:1-9 ABTAG01

Ang ahas nga ay higit na tuso kaysa alinman sa mga mailap na hayop sa parang na nilikha ng PANGINOONG Diyos. Sinabi niya sa babae, “Sinabi ba ng Diyos, ‘Huwag ninyong kakainin ang mula sa alinmang punungkahoy sa halamanan?’” At sinabi ng babae sa ahas, “Makakain namin ang bunga ng mga punungkahoy sa halamanan; subalit sinabi ng Diyos, ‘Huwag ninyong kakainin ang bunga ng punungkahoy na nasa gitna ng halamanan; huwag din ninyo itong hihipuin, kundi kayo'y mamamatay.’” Subalit sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na kapag kayo'y kumain noon ay mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo'y magiging kagaya ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Kaya't nang makita ng babae na ang bunga ng punungkahoy ay mabuting kainin, nakakalugod sa paningin, na dapat nasain upang maging matalino, siya ay pumitas ng bunga nito at kinain ito; at binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at siya'y kumain. At parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila'y mga hubad. Magkasama silang nagtahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panakip. Narinig nila ang tinig ng PANGINOONG Diyos na lumalakad sa halamanan sa malamig na bahagi ng maghapon. Nagtago ang lalaki at ang kanyang asawa sa PANGINOONG Diyos sa mga punungkahoy sa halamanan. Tinawag ng PANGINOONG Diyos ang lalaki at sa kanya'y sinabi, “Saan ka naroon?”