Dinalaw ng PANGINOON si Sara ayon sa sinabi niya, at ginawa ng PANGINOON kay Sara ang ayon sa kanyang pangako. Si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalaki kay Abraham sa kanyang katandaan, sa takdang panahong sinabi ng Diyos sa kanya. Tinawag ni Abraham na Isaac ang anak na ipinanganak sa kanya ni Sara. At tinuli ni Abraham ang anak niyang si Isaac pagkaraan ng walong araw gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Si Abraham ay isandaang taong gulang nang ipanganak si Isaac na kanyang anak. Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos, sinumang makarinig ay makikitawa sa akin.”
Basahin GENESIS 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: GENESIS 21:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas