Genesis 21:1-6
Genesis 21:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita. At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya. At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara. At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya. At si Abraham ay may isang daang taon, nang sa kaniya'y ipanganak si Isaac na kaniyang anak. At sinabi ni Sara, Pinatawa ako ng Dios, sinomang makarinig ay makikitawa.
Genesis 21:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinagpala ni Yahweh si Sara at tinupad ang kanyang pangako. Ayon sa panahong sinabi ng Diyos, si Sara nga ay nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki, kahit matanda na noon si Abraham. Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak. Ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham ang bata walong araw pagkasilang nito. Isandaang taon na si Abraham nang ipanganak si Isaac. Sinabi ni Sara, “Nakakatawa ang ginawang ito sa akin ng Diyos at sinumang makarinig nito'y tiyak na matatawa rin.”
Genesis 21:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngayon, inalala ng PANGINOON si Sara ayon sa kanyang ipinangako. Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios. Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac. Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Dios. Nang ipinanganak si Isaac, 100 taong gulang na si Abraham. Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin.
Genesis 21:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita. At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya. At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara. At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya. At si Abraham ay may isang daang taon, nang sa kaniya'y ipanganak si Isaac na kaniyang anak. At sinabi ni Sara, Pinatawa ako ng Dios, sinomang makarinig ay makikitawa.
Genesis 21:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)