Naging anak ni Cus si Nimrod na siyang nagsimulang maging makapangyarihan sa lupa. Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng PANGINOON kaya't karaniwang sinasabi: “Gaya ni Nimrod na makapangyarihang mangangaso sa harapan ng PANGINOON.” At ang simula ng kanyang kaharian ay ang Babel, ang Erec, ang Acad, ang Calne, sa lupain ng Shinar. Buhat sa lupaing iyon ay nagtungo siya sa Asiria at itinayo ang Ninive, Rehobot-ir, at ang Cale, ang Resen, sa pagitan ng Ninive at ng Cale na isang malaking bayan.
Basahin GENESIS 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 10:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas