Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 10:8-12

Genesis 10:8-12 ASND

May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod. Si Nimrod ay naging magiting na sundalo sa mundo. Alam ng PANGINOON na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng PANGINOON na mahusay na mangangaso.” Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Akad. Ang lahat ng ito ay sakop ng Shinar. Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot Ir, Cala, at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cala na isang tanyag na lungsod.