Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZRA 10:18-44

EZRA 10:18-44 ABTAG01

Sa mga anak ng mga pari na nag-asawa ng mga babaing banyaga ay natagpuan sina Maasias, Eliezer, Jarib, at Gedalias na mga anak ni Jeshua, na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid. Sila'y nangako na hihiwalayan ang kanilang mga asawa; at ang kanilang handog para sa budhing maysala ay isang lalaking tupa mula sa kawan para sa budhing maysala. Sa mga anak ni Imer: sina Hanani at Zebadias. Sa mga anak ni Harim: sina Maasias, Elias, Shemaya, Jehiel, at Uzias. Sa mga anak ni Pashur: sina Elioenai, Maasias, Ismael, Natanael, Jozabad, at Elasa. At sa mga Levita: sina Jozabad, Shimei, Kelaia (na siya ring Kelita), Petaya, Juda, at Eliezer. Sa mga mang-aawit: si Eliasib; at sa mga bantay-pinto: sina Shallum, Telem, at Uri. Sa Israel; sa mga anak ni Paros: sina Ramia, Izzias, Malkia, Mijamin, Eleazar, Hashabias, at Benaya. Sa mga anak ni Elam: sina Matanias, Zacarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elia. Sa mga anak ni Zatu: sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza. Sa mga anak ni Bebai: sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai. Sa mga anak ni Bani: sina Mesulam, Malluc, Adaya, Jasub, Seal, at Ramot. Sa mga anak ni Pahat-moab: sina Adna, Cheleal, Benaya, Maasias, Matanias, Besaleel, Binui, at Manases. Sa mga anak ni Harim: sina Eliezer, Issia, Malkia, Shemaya, at Simeon; Benjamin, Malluc, at Shemarias. Sa mga anak ni Hasum: sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Shimei. Sa mga anak ni Bani: sina Maadi, Amram, at Uel; Benaya, Bedias, Cheluhi; Vanias, Meremot, Eliasib; Matanias, Matenai, Jaasai; Bani, Binui, Shimei; Shelemias, Natan, Adaya; Macnadbai, Sasai, Sarai; Azarel, Shelemias, Shemarias; Shallum, Amarias, at Jose. Sa mga anak ni Nebo: sina Jehiel, Matithias, Zabad, Zebina, Jadau, Joel, at Benaya. Lahat ng mga ito'y nagsipag-asawa ng mga babaing banyaga, at kanilang pinaalis sila kasama ang kanilang mga anak.