Pagkatapos ay sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon at sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sabi ng PANGINOON, ang Diyos ng mga Hebreo: Payagan mong umalis ang aking bayan upang sila'y makasamba sa akin. Sapagkat kung tatanggihan mong paalisin sila, at sila'y pipigilin mo pa, ang kamay ng PANGINOON ay magbibigay ng matinding salot sa iyong hayop na nasa parang, sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga baka, at sa mga kawan. Ngunit gagawa ang PANGINOON ng pagkakaiba sa mga hayop ng Israel at sa mga hayop ng Ehipto, upang walang mamatay sa lahat ng nauukol sa mga anak ni Israel.’” Ang PANGINOON ay nagtakda ng panahon na sinasabi, “Bukas ay gagawin ng PANGINOON ang bagay na ito sa lupain.” Kinabukasan ay ginawa ng PANGINOON ang bagay na iyon. Ang lahat ng hayop sa Ehipto ay namatay ngunit sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa. Ang Faraon ay nagsugo, at walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Ngunit ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayagang umalis ang taong-bayan.
Basahin EXODO 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 9:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas