Sa unang buwan ng ikalawang taon, ng unang araw ng buwan, ang tabernakulo ay itinayo. Itinayo ni Moises ang tabernakulo, inilagay niya ang mga saligan, at ipinatong ang malalaking tabla, at isinuot ang mga biga, at itinayo ang mga haligi niyon. Kanyang inilatag ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kanyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyon; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang kinuha ang patotoo at inilagay ito sa loob ng kaban, at kanyang inilagay ang mga pasanan sa kaban, at kanyang inilagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban: Kanyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang kurtinang pantabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang inilagay ang hapag sa loob ng toldang tipanan, sa dakong hilaga ng tabernakulo, sa labas ng tabing. Kanyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng hapag sa harap ng PANGINOON; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang inilagay ang ilawan sa toldang tipanan, sa tapat ng hapag, sa gawing timog ng tabernakulo. Kanyang sinindihan ang mga ilaw sa harap ng PANGINOON; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng toldang tipanan sa harap ng lambong. Siya'y nagsunog doon ng mabangong insenso; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang inilagay ang tabing para sa pintuan ng tabernakulo. Kanyang inilagay ang dambana ng handog na sinusunog sa pintuan ng toldang tipanan, at nag-alay doon ng handog na sinusunog, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Kanyang inilagay ang lababo sa pagitan ng toldang tipanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan. Si Moises at si Aaron at ang kanyang mga anak ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa; kapag sila'y pumapasok sa toldang tipanan at kapag sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. At kanyang inilagay ang bulwagan sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuan ng bulwagan. Gayon tinapos ni Moises ang gawain. Pagkatapos ay tinakpan ng ulap ang toldang tipanan at pinuno ng kaluwalhatian ng PANGINOON ang tabernakulo. Si Moises ay hindi makapasok sa toldang tipanan, sapagkat nanatili sa ibabaw niyon ang ulap, at pinuspos ng kaluwalhatian ng PANGINOON ang tabernakulo. Kapag ang ulap ay napapaitaas mula sa tabernakulo ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang paglalakbay. Subalit kapag ang ulap ay hindi napapaitaas ay hindi sila naglalakbay hanggang sa araw na iyon ay pumaitaas. Sapagkat sa kanilang buong paglalakbay ang ulap ng PANGINOON ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyon sa gabi, sa paningin ng buong sambahayan ng Israel.
Basahin EXODO 40
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 40:17-38
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas