EXODO 38
38
Ang Paggawa ng Dambana ng Handog na Sinusunog
(Exo. 27:1-8)
1Ginawa rin niya ang dambana ng handog na sinusunog na yari sa kahoy na akasya: limang siko ang haba at limang siko ang luwang niyon, parisukat; at tatlong siko ang taas.
2Kanyang iginawa ng mga sungay iyon sa ibabaw ng apat na sulok niyon; ang mga sungay niyon ay kaisang piraso niyon; at kanyang binalot iyon ng tanso.
3Kanyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana, ang mga palayok, ang mga pala, ang mga palanggana, ang malalaking tinidor, at ang mga apuyan: lahat ng mga kasangkapan ay kanyang ginawang yari sa tanso.
4At kanyang iginawa ang dambana ng isang parilya, na sala-salang tanso, sa ilalim ng gilid ng dambana, na umaabot hanggang sa kalahatian paibaba.
5Siya ay naghulma ng apat na argolya para sa apat na sulok ng parilyang tanso, bilang suotan ng mga pasanan;
6ginawa niya ang mga pasanan na yari sa kahoy na akasya, at binalot ng tanso ang mga ito.
7Kanyang isinuot ang mga pasanan sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat iyon; ginawa niya itong may guwang na may mga tabla.
8Kanyang#Exo. 30:18 ginawa ang hugasang yari sa tanso, at ang patungan niyon ay tanso, mula sa mga salamin ng mga babaing lingkod na naglilingkod sa pintuan ng toldang tipanan.
9Kanyang ginawa ang bulwagan, sa gawing timog ang mga tabing ng bulwagan ay mga hinabing pinong lino na may isang daang siko.
10Ang mga haligi ng mga iyon ay dalawampu, at ang mga patungan ay dalawampu, yari sa tanso; ang mga kawit ng mga haligi at ang mga kawit ay pilak.
11Sa dakong hilaga ay isang daang siko, ang mga haligi ay dalawampu, at ang mga patungan ay dalawampu, yari sa tanso; ang mga kawit ng mga haligi at ang mga panali ay pilak.
12At sa gawing kanluran ay may mga tabing na may limampung siko, ang mga haligi ay sampu, at ang mga patungan ay sampu; ang mga kawit ng mga haligi at ang mga panali ay pilak.
13Sa harapan hanggang gawing silangan ay may limampung siko.
14Ang mga tabing sa isang dako ng pintuan ay labinlimang siko; ang mga haligi ay tatlo, at ang mga patungan ay tatlo;
15gayundin sa kabilang dako—sa dakong ito at sa dakong iyon ng pintuan ng bulwagan ay may mga tabing na tiglalabinlimang siko; ang mga haligi niyon ay tatlo, at ang mga patungan niyon ay tatlo.
16Lahat ng mga tabing ng bulwagan sa palibot ay pinong lino.
17Ang mga patungan para sa mga haligi ay tanso, ngunit ang mga kawit ng mga haligi at ang mga panali ay pilak; at ang mga balot ng mga itaas ay pilak; at ang lahat ng haligi ng bulwagan ay may taling pilak.
18At ang tabing sa pasukan ng bulwagan ay binurdahan na telang asul, kulay-ube at pula, at pinong lino at may dalawampung siko ang haba, ang luwang ay may limang siko, na kasukat ng mga tabing sa bulwagan.
19Ang mga haligi ay apat, at ang mga patungan ay apat, tanso; ang mga kawit ay pilak, at ang mga balot ng itaas nito, at ang mga panali ay pilak.
20At lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng bulwagan sa palibot ay tanso.
Ang Kabuuan ng Nagamit na Metal
21Ito ang kabuuan ng mga bagay sa tabernakulo, ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa pagbilang nila, alinsunod sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pangunguna ni Itamar na anak ng paring si Aaron.
22Ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
23At kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na mang-uukit, at bihasang manggagawa, at mambuburda sa telang asul, kulay-ube, pula, at hinabing pinong lino.
24Lahat ng ginto na ginamit sa buong gawain sa santuwaryo, samakatuwid ay ang gintong handog, ay dalawampu't siyam na talento, at pitong daan at tatlumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo.
25Ang#Exo. 30:11-16 pilak mula sa kapisanan na binilang ay sandaang talento, at isang libo't pitong daan at pitumpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo:
26tig-isang#Mt. 17:24 beka bawat ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo, sa bawat isa na nasali sa mga nabilang, magmula sa dalawampung taong gulang pataas, sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limampung lalaki.
27Ang isandaang talentong pilak ay ginamit sa pagbubuo ng mga patungan ng santuwaryo, at ng mga patungan ng mga haligi ng tabing; sandaang patungan sa sandaang talento, isang talento sa bawat patungan.
28Sa isang libo't pitong daan at pitumpu't limang siklo ay naigawa ng kawit ang mga haligi at binalot ang mga itaas, at iginawa ng mga panali.
29Ang tansong ipinagkaloob ay pitumpung talento, at dalawang libo at apatnaraang siklo,
30na siyang ginawang mga patungan sa pintuan ng toldang tipanan, at ng dambanang tanso, at ng parilyang tanso niyon, at ng lahat ng kasangkapan ng dambana,
31at ng mga tungtungan ng bulwagan sa palibot, at ng mga patungan sa pintuan ng bulwagan, at ng lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng lahat ng mga tulos ng bulwagan sa palibot.
Kasalukuyang Napili:
EXODO 38: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001