EXODO 20
20
Ibinigay ang Sampung Utos
(Deut. 5:1-21)
1Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
2“Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
3“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap#20:3 o maliban sa akin. ko.
4“Huwag#Exo. 34:17; Lev. 19:4; 26:1; Deut. 4:15-18; 27:15 kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.
5Huwag#Exo. 34:6, 7; Bil. 14:18; Deut. 7:9, 10 mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin;
6ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
7“Huwag#Lev. 19:12 mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.
8“Alalahanin#Exo. 16:23-30; 31:12-14 mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal.
9Anim#Exo. 23:12; 31:15; 34:21; 35:2; Lev. 23:3 na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain;
10ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan;
11sapagkat#Gen. 2:1-3; Exo. 31:17 sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.
12“Igalang#Deut. 27:16; Mt. 15:4; 19:19; Mc. 7:10; 10:19; Lu. 18:20; Ef. 6:2; Ef. 6:3 mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
13“Huwag#Gen. 9:6; Lev. 24:17; Mt. 5:21; 19:18; Mc. 10:19; Lu. 18:20; Ro. 13:9; San. 2:11 kang papatay.
14“Huwag#Lev. 20:10; Mt. 5:27; 19:18; Mc. 10:19; Lu. 18:20; Ro. 13:9; San. 2:11 kang mangangalunya.
15“Huwag#Lev. 19:11; Mt. 19:18; Mc. 10:19; Lu. 18:20; Ro. 13:9 kang magnanakaw.
16“Huwag#Exo. 23:1; Mt. 19:18; Mc. 10:19; Lu. 18:20 kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa.
17“Huwag#Ro. 7:7; 13:9 mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa.”
18Nang#Heb. 12:18, 19 masaksihan ng buong bayan ang mga kulog at kidlat, ang tunog ng trumpeta at ang bundok na umuusok, ay natakot sila at nanginig, at sila'y tumayo sa malayo.
19Sinabi nila kay Moises, “Magsalita ka sa amin, at aming papakinggan, subalit huwag mong pagsalitain ang Diyos sa amin, baka kami ay mamatay.”
20Sinabi ni Moises sa bayan, “Huwag kayong matakot, sapagkat ang Diyos ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kanya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.”
21Ang taong-bayan ay tumayo sa malayo at si Moises ay lumapit sa makapal na kadiliman na kinaroroonan ng Diyos.
Ang Utos tungkol sa mga Idolo at mga Altar
22Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel: ‘Kayo ang nakakita na ako'y nakipag-usap sa inyo mula sa langit.
23Huwag kayong gagawa ng mga diyos na pilak na iaagapay sa akin ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diyos na ginto.
24Isang dambanang lupa ang iyong gagawin para sa akin, at iyong iaalay doon ang iyong mga handog na sinusunog, mga handog pangkapayapaan, mga tupa, at mga baka. Sa lahat ng dakong aking ipapaalala ang aking pangalan ay pupunta ako sa iyo at pagpapalain kita.
25Kung#Deut. 27:5-7; Jos. 8:31 igagawa mo ako ng isang dambanang bato ay huwag mong itatayo ito na may mga tapyas na bato, sapagkat kung iyong gamitin ang iyong patalim doon ay iyong nilapastangan iyon.
26Huwag kang aakyat sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang iyong kahubaran ay huwag mahayag sa ibabaw niyon.’
Kasalukuyang Napili:
EXODO 20: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001