Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain;
ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa PANGINOON mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan