Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 20:1-5

EXODO 20:1-5 ABTAG01

Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, “Ako ang PANGINOON mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko. “Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila; sapagkat akong PANGINOON mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa EXODO 20:1-5