Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 20:1-5

Exodus 20:1-5 ASND

Sinabi ng PANGINOON, “Ako ang PANGINOON na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin. “Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin. “Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang PANGINOON na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Exodus 20:1-5