Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 15:22-26

EXODO 15:22-26 ABTAG01

Patuloy na pinangunahan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Pula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; sila'y lumakad ng tatlong araw sa ilang at hindi nakatagpo ng tubig. Nang sila'y dumating sa Mara, hindi nila mainom ang tubig sa Mara, sapagkat ito ay mapait. Kaya't tinawag itong Mara. Nagreklamo ang bayan kay Moises, na sinasabi, “Anong aming iinumin?” Siya'y dumaing sa PANGINOON at itinuro sa kanya ng PANGINOON ang isang punungkahoy; inihagis niya ito sa tubig, at ang tubig ay tumamis. Doon, gumawa ang PANGINOON para sa kanila ng isang batas at tuntunin. Doon ay sinubok niya sila, na sinasabi, “Kung iyong diringgin ng buong tiyaga ang tinig ng PANGINOON mong Diyos, at iyong gagawin ang matuwid sa kanyang mga mata, at iyong susundin ang kanyang mga utos, at iyong tutuparin ang lahat ng kanyang mga batas, wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Ehipcio; sapagkat ako ang PANGINOON na nagpapagaling sa iyo.”