At dinala ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat na Pula papunta sa ilang ng Shur. Sa loob ng tatlong araw, naglakbay sila sa ilang at wala silang nakitang tubig. Nang makarating sila sa Mara, nakakita sila ng tubig, pero hindi nila ito mainom dahil mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.) Dahil dito, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?” Kaya humingi ng tulong si Moises sa PANGINOON, at ipinakita ng PANGINOON sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig. Doon ibinigay ng PANGINOON ang tuntunin at kautusang ito para subukin ang katapatan nila sa kanya: “Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang PANGINOON na inyong Dios, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Egipcio, dahil ako ang PANGINOON, ang nagpapagaling sa inyo.”
Basahin Exodus 15
Makinig sa Exodus 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 15:22-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas