Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 31:6-8

DEUTERONOMIO 31:6-8 ABTAG01

Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot ni masindak sa kanila sapagkat ang PANGINOON mong Diyos ay humahayong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan.” At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kanya sa paningin ng buong Israel, “Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; sapagkat ikaw ay maglalakbay na kasama ng bayang ito patungo sa lupaing ipinangakong ibibigay at ipapamana ng PANGINOON sa kanilang mga ninuno. Ang PANGINOON ang siyang mangunguna sa iyo. Siya'y sasaiyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan; huwag kang matatakot ni manlulupaypay.”