Si Moises ay nagpatuloy sa pagsasalita ng mga salitang ito sa buong Israel. Kanyang sinabi sa kanila, “Ako'y isandaan at dalawampung taon na sa araw na ito; hindi na ako makalalabas-pasok, at sinabi ng PANGINOON sa akin, ‘Huwag kang tatawid sa Jordang ito.’ Mauuna ang PANGINOON mong Diyos at kanyang pupuksain ang mga bansang ito sa harapan mo at ito ay iyong aangkinin. Si Josue ay mauuna sa iyo gaya ng sinabi ng PANGINOON. Gagawin sa kanila ng PANGINOON ang gaya ng ginawa niya kina Sihon at Og, na mga hari ng mga Amoreo, at sa kanilang lupain na kanyang winasak. Ibibigay sila ng PANGINOON sa harapan mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa lahat ng utos na aking iniutos sa iyo. Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot ni masindak sa kanila sapagkat ang PANGINOON mong Diyos ay humahayong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan.”
Basahin DEUTERONOMIO 31
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: DEUTERONOMIO 31:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas