Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 28:38-48

DEUTERONOMIO 28:38-48 ABTAG01

Magdadala ka ng maraming binhi sa bukid, ngunit kakaunti ang iyong titipunin; sapagkat uubusin ng balang. Ikaw ay magtatanim ng ubasan at iyong aalagaan, ngunit hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas; sapagkat kakainin iyon ng uod. Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga nasasakupan ngunit hindi ka magpapahid ng langis; sapagkat ang iyong olibo ay malalagas. Ikaw ay magkakaanak ng mga lalaki at mga babae, ngunit sila'y hindi magiging iyo; sapagkat sila'y pupunta sa pagkabihag. Lahat ng iyong punungkahoy at bunga ng iyong lupa ay aangkinin ng balang. Ang dayuhan na nakatira sa gitna mo ay tataas nang higit sa iyo habang ikaw ay bababa nang pababa. Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi magpapahiram sa kanya. Siya'y magiging ulo at ikaw ay magiging buntot. Lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka at aabutan ka, hanggang ikaw ay mawasak, sapagkat hindi mo pinakinggan ang tinig ng PANGINOON mong Diyos, at hindi mo tinupad ang kanyang mga utos at ang kanyang mga tuntunin na kanyang iniutos sa iyo. Ang mga iyon ay magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailanman. “Sapagkat hindi ka naglingkod na may kagalakan at may kasayahan ng puso sa PANGINOON mong Diyos, dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay. Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng PANGINOON laban sa iyo, sa gutom, uhaw, kahubaran, at kakulangan sa lahat ng mga bagay. Lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya