Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 28:38-48

Deuteronomio 28:38-48 ASND

“Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang. Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod. Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, pero wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito. Magkakaanak kayo pero, mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila. Kakainin ng maraming insekto ang lahat ng inyong puno at pananim. “Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina. Papautangin nila kayo pero hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila. Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang PANGINOON na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo. Magiging babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman. Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa PANGINOON na inyong Dios sa panahon ng inyong kasaganaan, ibibigay niya kayo sa mga kaaway na ipinadala niya sa inyo at maglilingkod kayo sa kanila. Gugutumin kayo, uuhawin, kukulangin ng damit at mawawalan ng lahat ng bagay. Pahihirapan niya kayo na parang kinabitan ng pamatok na bakal sa leeg hanggang sa mamatay kayo.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya