‘Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, tunay na inyong mapapakinggan, ngunit hindi kailanman mauunawaan, tunay na inyong titingnan ngunit hindi ninyo mamamasdan. Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito, at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga, at pumikit na ang kanilang mga mata; baka sila'y makakita sa kanilang mga mata, at makarinig sa kanilang mga tainga, at makaunawa sa kanilang puso, at magbalik-loob, at sila'y aking pagalingin.’ Maging hayag nawa sa inyo na ang kaligtasang ito ng Diyos ay ipinadala sa mga Hentil at sila'y makikinig.” [At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nagtalong mabuti.] Nanirahan siya roon ng buong dalawang taon sa kanyang sariling inuupahang bahay, at tinatanggap ang lahat ng sa kanya'y nagsasadya
Basahin MGA GAWA 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA GAWA 28:26-30
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas