Mga Gawa 28:26-30
Mga Gawa 28:26-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
‘Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila, Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa, at tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita. Sapagkat napakatigas ng mga puso ng taong ito, mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga, at makaunawa ang kanilang mga pag-iisip. Kung ganoon sana'y nagbalik-loob kayo sa akin, at kayo naman ay aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’” Idinagdag pa ni Pablo, “Sinasabi ko sa inyo, ipinahayag na sa mga Hentil ang kaligtasang ito na mula sa Diyos, at diringgin nila ito!” Humigit-kumulang sa dalawang taóng nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya.
Mga Gawa 28:26-30 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat sinabi niya, ‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa, at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita, dahil matigas ang puso ng mga taong ito. Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ” Sinabi pa ni Pablo, “Gusto ko ring sabihin sa inyo na ang salita ng Dios tungkol sa kaligtasan ay ibinalita na sa mga hindi Judio, at sila ay talagang nakikinig.” [Pagkasabi nito ni Pablo, nag-uwian ang mga Judio na mainit na nagtatalo.] Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan. At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya.
Mga Gawa 28:26-30 Ang Biblia (TLAB)
Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas: Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At sila'y aking pagalingin. Maging hayag nawa sa inyo, na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil: sila'y makikinig naman. At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam. At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya
Mga Gawa 28:26-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)