Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II SAMUEL 17:1-4

II SAMUEL 17:1-4 ABTAG01

Bukod dito'y sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Papiliin mo ako ng labindalawang libong lalaki, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito. Ako'y darating sa kanya samantalang siya'y pagod at nanlulupaypay, at akin siyang tatakutin; at ang lahat ng taong kasama niya ay tatakas. Ang hari lamang ang aking sasaktan; at ibabalik ko sa iyo ang buong bayan gaya ng isang babaing ikakasal na pauwi sa kanyang asawa. Ang iyong tinutugis ay buhay ng isang tao lamang, at ang buong bayan ay mapapayapa.” Ang payo ay nagustuhan ni Absalom at ng lahat ng matatanda sa Israel.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II SAMUEL 17:1-4