2 Samuel 17:1-4
2 Samuel 17:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito: At ako'y darating sa kaniya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan: At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan: ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik: sa gayo'y ang buong bayan ay mapapayapa. At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom, at sa lahat ng matanda sa Israel.
2 Samuel 17:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Papiliin mo ako ng labindalawang libong tauhan at ngayon ding gabi'y hahabulin namin si David. Sasalakayin ko siya habang pagod pa siya at nanghihina. Malilito siya at tiyak na magtatakbuhan ang kanyang mga tauhan. Ang hari lamang ang aking papatayin. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng kanyang mga tauhan, gaya ng isang babaing ikakasal sa naghihintay niyang mapapangasawa. Iisang tao lamang ang nais mong mamatay, kaya't ang iba ay hindi masasaktan.” Nagustuhan ni Absalom at ng pinuno ng Israel ang payo ni Ahitofel.
2 Samuel 17:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Payagan nʼyo po akong pumili ng 12,000 tauhan para hanapin sina David ngayong gabi. Sasalakayin namin sila habang pagod sila at nanghihina. Matataranta sila at magsisitakas ang mga tauhan niya. Si David lang po ang papatayin ko, at pababalikin ko sa inyo ang lahat ng tauhan niya gaya ng pagbabalik ng asawa sa kabiyak nito. Kapag napatay si David, hindi na makakalaban ang mga tauhan niya.” Mukhang mabuti naman ang payo na ito para kay Absalom at sa lahat ng tagapamahala ng Israel.
2 Samuel 17:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito: At ako'y darating sa kaniya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan: At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan: ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik: sa gayo'y ang buong bayan ay mapapayapa. At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom, at sa lahat ng matanda sa Israel.
2 Samuel 17:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)