Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA HARI 17:7-13

II MGA HARI 17:7-13 ABTAG01

Ito ay nangyari sapagkat ang bayang Israel ay nagkasala laban sa PANGINOON nilang Diyos, na siyang naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto, mula sa kamay ni Faraon na hari ng Ehipto. Sila'y natakot sa ibang mga diyos, at lumakad sa mga kaugalian ng mga bansa na pinalayas ng PANGINOON sa harapan ng mga anak ni Israel, at sa mga kaugaliang pinasimulan ng mga hari ng Israel. Ang bayang Israel ay palihim na nagsigawa ng mga bagay na hindi matuwid laban sa PANGINOON nilang Diyos. Sila'y nagtayo para sa kanila ng matataas na dako sa lahat nilang mga bayan, mula sa muog hanggang sa lunsod na may kuta. Sila'y nagtindig ng mga haligi at Ashera sa bawat mataas na burol, at sa ilalim ng bawat luntiang punungkahoy. Nagsunog sila doon ng insenso sa lahat ng matataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansang pinalayas ng PANGINOON sa harapan nila. Sila'y gumawa ng masasamang bagay na siyang ikinagalit ng PANGINOON. Sila'y naglingkod sa mga diyus-diyosan, na tungkol dito ay sinabi ng PANGINOON, “Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito.” Gayunma'y binalaan ng PANGINOON ang Israel at Juda sa pamamagitan ng bawat propeta at bawat nakakakita ng pangitain, na sinasabi, “Layuan ninyo ang inyong masasamang lakad at tuparin ninyo ang aking mga utos at mga tuntunin, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga ninuno, at aking ipinadala sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya