Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA HARI 11

11
Si Reyna Atalia ng Juda
(2 Cro. 22:10–23:15)
1Nang makita ni Atalia na ina ni Ahazias, na ang kanyang anak ay patay na, siya'y tumindig at nilipol ang lahat ng binhi ng hari.
2Ngunit kinuha ni Jehosheba, na anak na babae ni Haring Joram, na kapatid na babae ni Ahazias, si Joas na anak ni Ahazias, at lihim na kinuha siya mula sa mga anak ng hari na malapit nang patayin, at kanyang inilagay siya at ang kanyang yaya sa isang silid-tulugan. Sa gayon niya ikinubli ang bata kay Atalia, kaya't siya'y hindi napatay.
3Siya'y nanatiling kasama niya sa loob ng anim na taon na nakatago sa bahay ng Panginoon, samantalang si Atalia ay naghari sa lupain.
4Ngunit nang ikapitong taon, si Jehoiada ay nagsugo at dinala ang mga punong-kawal ng mga Cariteo, at ang mga bantay, at sila'y pinapasok niya sa bahay ng Panginoon. Siya'y nakipagtipan sa kanila at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari.
5At kanyang iniutos sa kanila, “Ito ang bagay na inyong gagawin: ang ikatlong bahagi sa inyo, na nagpapahinga sa Sabbath at nagbabantay sa bahay ng hari
6(ang isa pang ikatlong bahagi ay nakatalaga sa pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay), ay magiging bantay sa bahay ng hari;
7ang dalawang pulutong naman sa inyo, na hindi nagbantay sa Sabbath na ito ay siyang magbabantay sa bahay ng Panginoon para sa hari.
8Inyong paliligiran ang hari, bawat isa'y may sandata sa kanyang kamay; at sinumang lumapit sa hanay ay papatayin. Samahan ninyo ang hari kapag siya'y lumalabas at pumapasok.”
9At ginawa ng mga pinuno ang ayon sa lahat ng iniutos ni Jehoiada na pari, at kinuha ng bawat isa ang kanyang mga tauhan, yaong hindi magbabantay sa araw ng Sabbath, kasama ng mga nagbabantay sa araw ng Sabbath, at nagsiparoon kay Jehoiada na pari.
10Ibinigay ng pari sa mga pinuno ang mga sibat at ang mga kalasag na naging pag-aari ni Haring David, na nasa bahay ng Panginoon;
11at ang mga bantay ay tumayo, bawat isa'y may sandata sa kanyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa may dambana at sa may bahay, sa palibot ng hari.
12Pagkatapos ay inilabas niya ang anak ng hari, at ipinutong ang korona sa kanya, at ibinigay sa kanya ang patotoo; at kanilang ipinahayag siyang hari, at binuhusan siya ng langis, at kanilang ipinalakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, “Mabuhay ang hari!”
13Nang marinig ni Atalia ang ingay ng bantay at ng taong-bayan, pumasok siya sa loob ng bahay ng Panginoon patungo sa mga tao.
14Nang#2 Ha. 23:3 siya'y tumingin, naroon ang hari na nakatayo sa tabi ng haligi, ayon sa kaugalian, at ang mga pinuno at ang mga manunugtog ng trumpeta sa tabi ng hari; at ang buong bayan ng lupain na nagsasaya at humihihip ng trumpeta. Kaya't hinapak ni Atalia ang kanyang kasuotan, at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”
15At ang paring si Jehoiada ay nag-utos sa mga kapitan ng tig-iisandaan na itinalaga sa hukbo, “Ilabas ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at patayin ninyo ng tabak ang sinumang sumunod sa kanya.” Sapagkat sinabi ng pari, “Huwag siyang papatayin sa bahay ng Panginoon.”
16Sa gayo'y kanilang binigyan siya ng daan, at siya'y pumasok sa pasukan ng mga kabayo patungo sa bahay ng hari, at doon siya pinatay.
Pagbabagong Ginawa ni Jehoiada
(2 Cro. 23:16-21)
17Si Jehoiada ay nakipagtipan sa Panginoon, sa hari, at sa mamamayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; gayundin sa pagitan ng hari at ng bayan.
18At ang lahat ng mamamayan ng lupain ay pumunta sa bahay ni Baal, at ito'y ibinagsak. Ang kanyang mga dambana at ang kanyang mga larawan ay kanilang pinagputul-putol ng lubusan at kanilang pinatay si Matan na pari ni Baal sa harap ng mga dambana. At ang pari ay naglagay ng mga bantay sa bahay ng Panginoon.
19Kanyang isinama ang mga punong-kawal, ang mga Cariteo, ang mga bantay, at ang buong mamamayan ng lupain. Kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsidaan sa pintuang-bayan ng mga bantay patungo sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa trono ng mga hari.
20Kaya't ang lahat ng mamamayan ng lupain ay nagsaya. Ang lunsod ay tumahimik pagkatapos na si Atalia ay mapatay ng tabak sa bahay ng hari.
21 # 11:21 Sa Hebreo ay 12:1 . Si Jehoas ay pitong taon nang siya'y nagsimulang maghari.

Kasalukuyang Napili:

II MGA HARI 11: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in