Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang nag-uumapaw na kapangyarihan ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin. Sa bawat panig ay pinagmamalupitan kami, subalit hindi nadudurog, nililito subalit hindi nawawalan ng pag-asa; pinag-uusig, subalit hindi pinababayaan; inilulugmok, subalit hindi napupuksa; na laging tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay mahayag din sa aming katawan. Sapagkat habang nabubuhay, kami ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay mahayag sa aming laman na may kamatayan. Kaya't ang kamatayan ay gumagawa sa amin, subalit ang buhay ay sa inyo.
Basahin II MGA TAGA CORINTO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA TAGA CORINTO 4:7-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas