Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA CRONICA 27:1-2

II MGA CRONICA 27:1-2 ABTAG01

Si Jotam ay dalawampu't limang taon nang siya'y nagsimulang maghari; at siya'y naghari sa loob ng labing-anim na taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kanyang ina ay Jerushah na anak ni Zadok. At kanyang ginawa ang matuwid sa paningin ng PANGINOON, ayon sa lahat ng ginawa ng kanyang amang si Uzias—liban lamang sa hindi niya pinasok ang templo ng PANGINOON. Ngunit ang taong-bayan ay sumunod sa masasamang gawain.