Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I SAMUEL 30:1-4

I SAMUEL 30:1-4 ABTAG01

Nang si David at ang kanyang mga tauhan ay dumating sa Siclag nang ikatlong araw, ang mga Amalekita ay sumalakay sa Negeb at sa Siclag. Nagapi nila ang Siclag at sinunog ito ng apoy. Dinala nilang bihag ang mga babae at ang lahat ng naroroon, ang hamak at ang dakila. Hindi nila pinatay ang sinuman kundi kanilang dinala at nagpatuloy ng kanilang lakad. Nang si David at ang kanyang mga tauhan ay dumating sa bayan, natagpuan nila itong sunog ng apoy; at ang kanilang mga asawa, at mga anak na lalaki at babae ay dinalang-bihag. Kaya't si David at ang mga taong kasama niya ay sumigaw at umiyak hanggang sa sila'y maubusan ng lakas sa pag-iyak.