Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I SAMUEL 30

30
Hinabol ni David ang Amalekita
1Nang si David at ang kanyang mga tauhan ay dumating sa Siclag nang ikatlong araw, ang mga Amalekita ay sumalakay sa Negeb at sa Siclag. Nagapi nila ang Siclag at sinunog ito ng apoy.
2Dinala nilang bihag ang mga babae at ang lahat ng naroroon, ang hamak at ang dakila. Hindi nila pinatay ang sinuman kundi kanilang dinala at nagpatuloy ng kanilang lakad.
3Nang si David at ang kanyang mga tauhan ay dumating sa bayan, natagpuan nila itong sunog ng apoy; at ang kanilang mga asawa, at mga anak na lalaki at babae ay dinalang-bihag.
4Kaya't si David at ang mga taong kasama niya ay sumigaw at umiyak hanggang sa sila'y maubusan ng lakas sa pag-iyak.
5Ang#1 Sam. 25:42, 43 dalawang asawa ni David ay nabihag din, si Ahinoam na taga-Jezreel, at si Abigail, na balo ni Nabal, na taga-Carmel.
6Lubhang naguluhan si David sapagkat pinag-usapan ng mga tao na batuhin siya. Ang buong bayan ay masama ang kalooban, dahil sa kanya-kanyang mga anak na lalaki at babae. Ngunit pinalakas ni David ang kanyang sarili sa Panginoon niyang Diyos.
7Sinabi#1 Sam. 22:20-23 ni David kay Abiatar na pari, na anak ni Ahimelec, “Dalhin mo rito sa akin ang efod.” Kaya't dinala roon ni Abiatar ang efod kay David.
8At sumangguni si David sa Panginoon, “Hahabulin ko ba ang pangkat na ito? Aabutan ko kaya sila?” At sinagot siya ng Panginoon,#30:8 Sa Hebreo ay niya. “Habulin mo, sapagkat tiyak na aabutan mo at tiyak na maililigtas mo.”
9Kaya't umalis si David at ang animnaraang lalaking kasama niya at sila'y dumating sa batis ng Besor na kinaroroonan ng mga naiwan sa likuran.
10Ngunit ipinagpatuloy ni David at ng apatnaraang lalaki ang paghabol. Naiwan ang dalawandaan sa hulihan na pagod na pagod upang tumawid sa batis ng Besor.
11Nakakita sila ng isang Ehipcio sa parang at kanilang dinala siya kay David. Kanilang binigyan siya ng tinapay na makakain at tubig na maiinom.
12Kanilang binigyan din siya ng isang pirasong tinapay na igos at dalawang buwig na ubas. Pagkatapos niyang kumain, ang kanyang diwa ay nagbalik sapagkat hindi siya kumain ng tinapay o uminom man ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
13At sinabi ni David sa kanya, “Kanino ka kabilang? Taga-saan ka?” At sinabi niya, “Ako'y isang binatang Ehipcio, lingkod ng isang Amalekita. Iniwan ako ng aking panginoon sapagkat ako'y nagkasakit tatlong araw na ang nakalilipas.
14Kami ay sumalakay sa Negeb ng mga Kereteo, at sa mga pag-aari ng Juda, at sa Negeb ng Caleb; at aming sinunog ng apoy ang Siclag.”
15Sinabi ni David sa kanya, “Sasamahan mo ba ako sa pangkat na ito?” At kanyang sinabi, “Sumumpa ka sa akin sa pamamagitan ng Diyos na hindi mo ako papatayin, o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon, at ilulusong kita sa pangkat na ito.”
16Nang kanyang mailusong siya, sila'y nakakalat na nagkakainan, nag-iinuman at nagsasayawan sa buong lupain dahil sa napakaraming samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo at Juda.
17At sinalakay sila ni David mula sa takipsilim hanggang sa paglubog ng araw nang sumunod na araw. Walang taong nakatakas sa kanila liban sa apatnaraang katao na nakasakay sa mga kamelyo.
18Binawi ni David ang lahat ng nakuha ng mga Amalekita, at iniligtas ni David ang kanyang dalawang asawa.
19Walang nawawala, kahit hamak o dakila man, kahit mga anak na lalaki o babae man, kahit samsam man, kahit anumang bagay na nakuha nila sa kanila; ibinalik na lahat ni David.
20Kinuha rin ni David ang lahat ng kawan at bakahan at dinala nang una sa ibang mga hayop. Sinasabi ng mga tao, “Ito'y samsam ni David.”
21At dumating si David sa dalawandaang lalaki na pagod na pagod upang makasunod kay David, na naiwan sa batis ng Besor. Sila'y lumabas upang salubungin si David at ang mga taong kasama niya. Nang mapalapit si David sa taong-bayan, siya'y nagpugay sa kanila.
22Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masasamang tao, at mga taong mababang uri na lumabang#30:22 Sa Hebreo ay humayo. kasama ni David, “Sapagkat hindi sila lumabang kasama namin, hindi namin sila bibigyan ng samsam na aming nabawi, maliban sa bawat lalaki na makukuha niya ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak at umalis.”
23Ngunit sinabi ni David, “Mga kapatid ko, huwag ninyong gagawin ang gayon sa ibinigay sa atin ng Panginoon. Kanyang iningatan tayo at ibinigay sa ating kamay ang pulutong na dumating laban sa atin.
24Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Sapagkat kung gaano ang bahagi ng lumusong sa labanan ay gayundin ang bahagi ng naiwan sa dala-dalahan. Sila'y magkakaroon ng pare-parehong bahagi.”
25Mula noon, ginawa niya iyon na isang tuntunin at batas para sa Israel hanggang sa araw na ito.
26Nang dumating si David sa Siclag, siya'y nagpadala ng bahagi ng mga samsam sa kanyang mga kaibigan, ang matatanda ng Juda, na sinasabi, “Narito ang isang kaloob sa inyo mula sa samsam ng mga kaaway ng Panginoon;”
27iyon ay para sa Bethel, sa Ramot ng Negeb, sa nasa Jatir;
28sa Aroer, sa Sifmot, sa Estemoa;
29sa Rachal, sa mga lunsod ng mga Jerameelita, sa mga lunsod ng mga Kineo;
30sa Horma, sa Chorasan, sa Atach;
31sa Hebron, at sa lahat ng dako na karaniwang pinupuntahan ni David at ng kanyang mga tauhan.

Kasalukuyang Napili:

I SAMUEL 30: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya