I MGA HARI 7
7
Ang Palasyo ni Solomon
1Itinayo ni Solomon ang kanyang sariling bahay sa loob ng labintatlong taon, at kanyang natapos ang kanyang buong bahay.
2Kanyang itinayo ang Bahay sa Gubat ng Lebanon; ang haba ay isandaang siko, at ang luwang ay limampung siko, at ang taas ay tatlumpung siko, sa apat na hanay na haliging sedro na may mga bigang sedro sa ibabaw ng mga haligi.
3Natatakpan ito ng sedro sa ibabaw ng mga silid na nasa ibabaw ng apatnapu't limang haligi, labinlima sa bawat hanay.
4May mga balangkas ng bintana na tatlong hanay, at bintana sa katapat na bintana na tatlong hanay.
5Ang lahat ng pintuan at mga bintana ay pawang parisukat ang mga balangkas, at ang mga bintana ay magkakatapat sa tatlong hanay.
6Siya'y gumawa ng Bulwagan ng mga Haligi; ang haba niyon ay limampung siko, at ang luwang niyon ay tatlumpung siko, at may isang pasilyo na nasa harap ng mga iyon na may mga haligi at may lambong sa harap ng mga iyon.
7Siya'y gumawa ng Bulwagan ng Trono kung saan niya ipinahahayag ang kanyang hatol, samakatuwid ay ang Bulwagan ng Paghuhukom. Nababalot iyon ng sedro mula sa sahig hanggang sa kisame.
8At#1 Ha. 3:1 ang bahay na kanyang tirahan sa isa pang looban sa likod ng bulwagan ay pareho ang pagkakagawa. Iginawa rin ni Solomon ng bahay na tulad ng bulwagang ito ang anak na babae ni Faraon na naging asawa niya.
9Ang lahat ng ito'y gawa sa mamahaling bato, mga batong tinabas ayon sa sukat, na nilagari ng mga lagari, sa likod at sa harap, mula sa mga saligan hanggang sa kataas-taasan, at mula sa bulwagan ng bahay ng Panginoon hanggang sa malaking bulwagan.
10Ang saligan ay mga mamahaling bato, malalaking bato, mga batong may walo at sampung siko.
11Sa ibabaw ay mga mamahaling bato na mga batong tinabas ayon sa sukat, at sedro.
12At ang malaking bulwagan sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tinabas, at isang hanay ng mga bigang sedro; gaya ng pinakaloob na bulwagan ng bahay ng Panginoon, at ng pasilyo ng bahay.
Si Hiram ay Gumawa sa Templo
13Nagsugo si Haring Solomon at ipinasundo si Hiram mula sa Tiro.
14Siya'y anak ng isang babaing balo sa lipi ni Neftali, at ang kanyang ama ay lalaking taga-Tiro, isang manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, pang-unawa, at kahusayan sa paggawa ng lahat ng gawain sa tanso. Siya'y naparoon kay Haring Solomon, at ginawa ang lahat niyang gawain.
15Siya'y naghulma ng dalawang haliging tanso. Labingwalong siko ang taas ng bawat isa, at isang panukat na tali na may labindalawang siko ang sukat ng kabilugan nito; ito ay may guwang sa loob at ang kapal nito ay apat na daliri, at ang ikalawang haligi ay gayundin.
16Siya'y gumawa ng dalawang kapitel na hinulmang tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi; ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng isa pang kapitel ay limang siko.
17May mga lambat na nilala, at mga tirintas na yaring tanikala para sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito#7:17 o lambat. sa isang kapitel, at pito#7:17 o lambat. sa isa pang kapitel.
18Gayundin, gumawa siya ng mga granada sa dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat upang takpan ang mga kapitel na nasa itaas ng mga granada, gayundin ang ginawa niya sa kabilang kapitel.
19Ang mga kapitel na nasa ibabaw ng mga haligi sa pasilyo ay mga yaring liryo, na apat na siko.
20Ang mga kapitel ay nasa ibabaw ng dalawang haligi at sa itaas ng nakausling pabilog na nasa tabi ng yaring lambat. Ang mga granada ay dalawandaan na dalawang hanay sa palibot; at gayundin sa ibang kapitel.
21Kanyang itinayo ang mga haligi sa pasilyo ng templo, at kanyang itinayo ang haligi sa timog, at pinangalanang Jakin#7:21 o Kanyang pagtitibayin. at kanyang itinayo ang isa pang haligi sa hilaga, at pinangalanang Boaz.#7:21 o sa Kanya ang katibayan.
22At sa ibabaw ng mga haligi ay may mga nililok yaring liryo. Sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.
Ang Hinulmang Tangke ng Tubig, Patungang Tanso, at Hugasang Tanso
(2 Cro. 4:2-5)
23Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang tangke ng tubig.#7:23 Sa Hebreo ay dagat. Ito ay bilog na sampung siko mula sa labi hanggang sa kabilang labi, ang taas ay limang siko; at isang panukat na tali na may tatlumpung siko ang pabilog nito.
24Sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga palamuting hugis upo, para sa tatlumpung siko, na nakaligid sa dagat-dagatan sa palibot. Ang mga palamuting hugis upo ay dalawang hanay, na kasama itong hinulma nang ito'y hulmahin.
25Nakapatong ito sa labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan; at ang dagat ay nakapatong sa mga iyon, at ang lahat na puwitan ng mga iyon ay nasa loob.
26Ang kapal nito ay isang dangkal; at ang labi niyon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na liryo; naglalaman ito ng dalawang libong bat.#7:26 Bat: sukat ng tubig.
27Siya'y gumawa rin ng sampung patungang tanso; apat na siko ang haba ng bawat isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas.
28At ang pagkayari ng mga patungan ay ganito: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga dugtungan.
29Sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga dugtungan ay may mga leon, mga baka, at mga kerubin. Sa itaas ng mga dugtungan ay mga sugpong na may tuntungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na mga gawang nakabitin.
30Bawat patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga eheng tanso: at ang apat na paa niyon ay may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawat isa.
31Ang bunganga nito ay nasa loob ng isang kapitel, at ang taas ay may isang siko; at ang bunganga niyon ay bilog ayon sa pagkayari ng tuntungan, na may isang siko't kalahati ang lalim. At sa bunganga niyon ay may mga ukit, at ang mga gilid ng mga iyon ay parisukat, hindi bilog.
32Ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga ehe ng mga gulong ay kaisang piraso ng patungan; at ang taas ng bawat gulong ay isang siko at kalahati.
33Ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karwahe, ang mga ehe ng mga iyon, at ang mga masa ng mga iyon, at ang mga rayos ng mga iyon at ang mga panggitna niyon ay pawang hinulma.
34May apat na tukod sa apat na panulok ng bawat patungan: ang mga tukod ay karugtong ng mga patungan.
35Sa ibabaw ng patungan ay may isang nakabalot na kalahating siko ang taas; at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay karugtong niyon.
36Sa ibabaw ng mga panghawak niyon at sa mga gilid niyon, ay kanyang inukitan ng mga kerubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawat isa, na may mga tirintas sa palibot.
37Ayon sa paraang ito ay kanyang ginawa ang sampung patungan; lahat ng iyon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo.
38At#Exo. 30:17-21 siya'y gumawa ng sampung hugasang tanso; ang bawat hugasan ay naglalaman ng apatnapung bat: bawat hugasan ay may apat na siko; at may isang hugasan sa bawat isa ng sampung patungan.
39Kanyang inilagay ang mga patungan, lima sa gawing timog ng bahay, at lima sa gawing hilaga ng bahay; at kanyang inilagay ang tangke sa timog-silangang sulok ng bahay.
40Gumawa rin si Hiram ng mga kaldero, ng mga pala, at ng mga palanggana. Gayon tinapos ni Hiram ang lahat ng gawaing kanyang ginawa para kay Haring Solomon, sa bahay ng Panginoon:
41ang dalawang haligi, ang dalawang kabilugan sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat na nakatakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;
42at ang apatnaraang granada para sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawat yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;
43ang sampung patungan, at ang sampung hugasan sa ibabaw ng mga patungan;
44at ang isang tangke ng tubig, at ang labindalawang baka sa ilalim ng tangke.
45Ang mga kaldero, ang mga pala, at ang mga palanggana, lahat ng kasangkapang ito sa bahay ng Panginoon na ginawa ni Hiram para kay Haring Solomon, ay yari sa pinitpit na tanso.
46Sa kapatagan ng Jordan hinulma ang mga ito ng hari, sa luwad na nasa pagitan ng Sucot at ng Zaretan.
47Ang lahat ng kasangkapan ay hindi tinimbang ni Solomon, sapagkat lubhang napakarami; ang timbang ng tanso ay hindi natiyak.
48Sa#Exo. 30:1-3; Exo. 25:23-30 gayon ginawa ni Solomon ang lahat ng kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang gintong dambana, at ang gintong hapag para sa tinapay na handog;
49ang#Exo. 25:31-40 mga ilawan na yari sa lantay na ginto, lima sa gawing timog, lima sa hilaga, sa harap ng panloob na santuwaryo; ang mga bulaklak, ang mga ilaw, at mga pang-ipit ay yari sa ginto;
50ang mga saro, mga panggupit ng mitsa, mga palanggana, mga lalagyan ng insenso, at mga apuyan ay pawang yari sa lantay na ginto; at ang mga pihitan para sa mga pinto sa kaloob-looban ng bahay, ang kabanal-banalang dako, at ang mga pinto sa gitnang bahagi ng templo ay yari sa ginto.
51Ganito#2 Sam. 8:11; 1 Cro. 18:11 nayari ang lahat ng ginawa ni Haring Solomon sa bahay ng Panginoon. Ipinasok ni Solomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kanyang ama, ang pilak, ginto, mga lalagyan, at itinago sa mga silid ng kabang-yaman ng bahay ng Panginoon.
Kasalukuyang Napili:
I MGA HARI 7: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001