Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA CRONICA 25

25
Ang mga Mang-aawit sa Templo
1Ibinukod din ni David at ng mga punong-kawal ng hukbo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asaf, Heman, at Jedutun na magpapahayag ng propesiya sa saliw ng mga alpa, mga lira, at ng mga pompiyang. Ang talaan ng gumawa ng gawain at ang kanilang mga tungkulin ay sina:
2Sa mga anak ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarela, na mga anak ni Asaf; sa ilalim ng pamumuno ni Asaf na nagpahayag ng propesiya ayon sa utos ng hari.
3Kay Jedutun, ang mga anak ni Jedutun: sina Gedalias, Zeri, Jeshaias, Hashabias, at Matithias, anim;#25:3 Ang ikaanim ay si Shimei na binanggit sa talata 17. sa ilalim ng pamumuno ng kanilang amang si Jedutun na nagpahayag ng propesiya sa saliw ng lira, na may pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoon.
4Kay Heman, ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamtiezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot.
5Lahat ng mga ito'y mga anak ni Heman na propeta#25:5 Sa Hebreo ay tagakita. ng hari, ayon sa pangako ng Diyos na itaas siya. Sapagkat binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.
6Silang lahat ay nasa ilalim ng pamumuno ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, na may mga pompiyang, mga lira, at mga alpa sa paglilingkod sa bahay ng Diyos; sina Asaf, Jedutun, at Heman ay nasa ilalim ng pamumuno ng hari.
7Ang bilang nila kasama ang kanilang mga kapatid na mga sinanay sa pag-awit sa Panginoon, lahat ng bihasa ay dalawandaan at walumpu't walo.
8Sila'y nagpalabunutan sa kanilang mga katungkulan, hamak at dakila, maging ang guro at mag-aaral.
Ang Dalawampu at Apat na Bahagi ng Mang-aawit
9Ang unang sapalaran ay napunta kay Asaf hanggang kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kanyang mga kapatid at mga anak ay labindalawa;
10ang ikatlo ay kay Zacur, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
11ang ikaapat ay kay Isri, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
12ang ikalima ay kay Netanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
13ang ikaanim ay kay Bukias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
14ang ikapito ay kay Jesarela, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
15ang ikawalo ay kay Jeshaias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
16ang ikasiyam ay kay Matanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
17ang ikasampu ay kay Shimei, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
18ang ikalabing-isa ay kay Azarel, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
19ang ikalabindalawa ay kay Hashabias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
20ang ikalabintatlo ay kay Subael, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
21ang ikalabing-apat ay kay Matithias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
22ang ikalabinlima ay kay Jerimot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
23ang ikalabing-anim ay kay Hananias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
24ang ikalabimpito ay kay Josbecasa, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
25ang ikalabingwalo ay kay Hanani, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
26ang ikalabinsiyam ay kay Maloti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
27ang ikadalawampu ay kay Eliata, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
28ang ikadalawampu't isa ay kay Hotir, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
29ang ikadalawampu't dalawa ay kay Gidalti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
30ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
31ang ikadalawampu't apat ay kay Romamtiezer, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa.

Kasalukuyang Napili:

I MGA CRONICA 25: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in