I MGA CRONICA 24
24
Ang Pagkakabahagi ng mga Anak ni Aaron
1Ang pagkakabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2Ngunit#Lev. 10:1, 2 si Nadab at si Abihu ay naunang namatay sa kanilang ama, at hindi nagkaroon ng anak. Kaya't si Eleazar at si Itamar ang naglingkod bilang mga pari.
3Sa tulong ni Zadok na isa sa mga anak ni Eleazar, at ni Ahimelec na isa sa mga anak ni Itamar, pinangkat-pangkat sila ni David ayon sa kanilang mga gawain sa kanilang paglilingkod.
4Palibhasa'y mas maraming pinuno na natagpuan sa mga anak ni Eleazar kaysa sa mga anak ni Itamar, sila'y hinati sa ilalim ng labing-anim na mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno sa mga anak ni Eleazar, at walo naman sa mga anak ni Itamar.
5Pinagpangkat-pangkat sila sa pamamagitan ng palabunutan, bawat isa sa kanila; sapagkat mayroong mga pinuno sa santuwaryo, at mga pinuno para sa Diyos sa mga anak ni Eleazar at sa mga anak ni Itamar.
6Itinala ang mga ito ni Shemaya na eskriba na anak ni Natanael na Levita, sa harapan ng hari, at ng mga pinuno, at ng paring si Zadok, at ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at sa mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga pari, at ng mga Levita. Isang sambahayan ng mga ninuno ang pinili para kay Eleazar, at ang isa'y pinili para kay Itamar.
7Ang unang palabunutan ay napapunta kay Jehoiarib, ang ikalawa'y kay Jedias;
8ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
9ang ikalima ay kay Malkia, ang ikaanim ay kay Mijamin;
10ang ikapito ay kay Hakoz, ang ikawalo ay kay Abias;
11ang ikasiyam ay kay Jeshua, ang ikasampu ay kay Shecanias;
12ang ikalabing-isa ay kay Eliasib, ang ikalabindalawa ay kay Jakim;
13ang ikalabintatlo ay kay Hupa, ang ikalabing-apat ay kay Isebeab;
14Ang ikalabinlima ay kay Bilga, ang ikalabing-anim ay kay Imer;
15ang ikalabimpito ay kay Hezir, ang ikalabingwalo ay kay Hapizez,
16ang ikalabinsiyam ay kay Petaya, ang ikadalawampu ay kay Jehezkel;
17ang ikadalawampu't isa ay kay Jakin, ang ikadalawampu't dalawa ay kay Hamul;
18ang ikadalawampu't tatlo ay kay Delaias, ang ikadalawampu't apat ay kay Maasias.
19Ito ang pagkakasunud-sunod nila sa kanilang paglilingkod, sa kanilang pagpasok sa bahay ng Panginoon ayon sa tuntuning itinakda para sa kanila sa pamamagitan ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kanya ng Panginoong Diyos ng Israel.
Ang Iba Pang mga Anak ni Levi
20At sa iba pang mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram, si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.
21Kay Rehabias: sa mga anak ni Rehabias, si Ishias ang pinuno.
22Sa mga Izarita, si Shelomot; sa mga anak ni Shelomot, si Jahat.
23Sa mga anak ni Hebron: si Jerias ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.
24Ang mga anak ni Uziel: si Micaias; sa mga anak ni Micaias, si Samir.
25Ang kapatid ni Micaias, si Ishias; sa mga anak ni Ishias, si Zacarias.
26Ang mga anak ni Merari: si Mahli at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Beno.
27Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, sina Beno, Soam, Zacur, at Ibri.
28Kay Mahli: si Eleazar, na hindi nagkaroon ng anak na lalaki.
29Kay Kish: ang mga anak ni Kish, si Jerameel.
30Ang mga anak ni Musi: sina Mahli, Eder, at Jerimot. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ama.
31Ang mga ito nama'y nagpalabunutan din gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni Haring David, at ni Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga pari at mga Levita, ang pinuno gayundin ang nakababatang kapatid.
Kasalukuyang Napili:
I MGA CRONICA 24: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001