Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA CRONICA 16:23-36

I MGA CRONICA 16:23-36 ABTAG01

Kayo'y magsiawit sa PANGINOON, buong lupa, ihayag ninyo ang kanyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kanyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. Sapagkat dakila ang PANGINOON at karapat-dapat purihin. Siya'y marapat na katakutan nang higit sa lahat ng diyos. Sapagkat lahat ng diyos ng mga bayan ay mga diyus-diyosan; ngunit ang PANGINOON ang gumawa ng mga langit. Karangalan at kamahalan ang nasa harapan niya, kalakasan at kasayahan ang nasa kanyang tahanan. Iukol ninyo sa PANGINOON, kayong mga angkan ng mga bayan, iukol ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatian at ang kalakasan. Iukol ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatiang marapat sa kanyang pangalan; magdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya. Inyong sambahin ang PANGINOON sa banal na kaayusan. Manginig sa harap niya ang buong lupa: oo, ang sanlibuta'y nakatayong matatag, hindi kailanman makikilos. Magsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; at sabihin nila sa gitna ng mga bansa, “Ang PANGINOON ay naghahari!” Hayaang umugong ang dagat at ang lahat ng pumupuno dito, matuwa ang parang at ang lahat ng naroon; kung magkagayo'y aawit ang mga punungkahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harapan ng PANGINOON, sapagkat siya'y dumarating upang hatulan ang lupa. O magpasalamat kayo sa PANGINOON sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman. Sabihin din ninyo: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, at tipunin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, upang kami'y magpasalamat sa iyong banal na pangalan, at lumuwalhati sa iyong kapurihan. Purihin ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.” At sinabi ng buong bayan, “Amen!” at pinuri ang PANGINOON.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa I MGA CRONICA 16:23-36

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya