Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 16:23-36

1 Mga Cronica 16:23-36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan, ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian. Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan, lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan. Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa, dapat siyang kilalanin na marangal at dakila. Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan, sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa. Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa. “Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita. Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon, ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh. Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatan sa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan. Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.” Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, purihin siya ngayon at magpakailanman!

1 Mga Cronica 16:23-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa PANGINOON. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa. Dahil dakila ang PANGINOON at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios, dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay ginawa lang nila para sambahin, ngunit ang PANGINOON ang lumikha ng langit. Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan; ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan. Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan. Ibigay ninyo sa PANGINOON ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang PANGINOON sa kagandahan ng kanyang kabanalan. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan. Matatag niyang itinayo ang mundo at hindi ito mauuga. Magalak ang buong kalangitan at mundo; ipahayag sa mga bansa, “Naghahari ang PANGINOON.” Magalak din ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng PANGINOON. Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo. Magpasalamat kayo sa PANGINOON dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan. Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas; palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.” Purihin ang PANGINOON, ang Dios ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang PANGINOON!

1 Mga Cronica 16:23-36 Ang Biblia (TLAB)

Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios. Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit. Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan. Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan. Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan. Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos. Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari. Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon; Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.

1 Mga Cronica 16:23-36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan, ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian. Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan, lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan. Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa, dapat siyang kilalanin na marangal at dakila. Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan, sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa. Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa. “Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita. Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon, ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh. Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatan sa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan. Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.” Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, purihin siya ngayon at magpakailanman!

1 Mga Cronica 16:23-36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios. Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit. Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan. Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan. Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan. Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos. Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari. Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon; Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.

1 Mga Cronica 16:23-36

1 Mga Cronica 16:23-36 RTPV051 Mga Cronica 16:23-36 RTPV05

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya