Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 18:31-40

Mga Awit 18:31-40 TLAB

Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas. Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila: hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol. Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa. Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka: iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin. Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway, upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 18:31-40