Isaias 25
25
Awit ng Papuri kay Yahweh
1O Yahweh, ikaw ang aking Diyos;
pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan;
sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa;
buong katapatan mong isinagawa
ang iyong mga balak mula pa noong una.
2Ang mga lunsod ay iyong iginuho,
at winasak ang mga kuta;
ibinagsak ninyo ang mga palasyo ng mga dayuhan,
at ang mga iyon ay hindi na muling maitatayo.
3Kaya dadakilain ka ng taong malalakas,
at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod.
4Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap,
at mga nangangailangan,
matatag na silungan sa panahon ng unos
at nakakapasong init.
Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas,
sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
5Ang ingay ng dayuhan ay parang init sa disyerto,
ngunit napatahimik mo ang ingay ng mga kaaway;
hindi na marinig ang awit ng malulupit,
parang init na natakpan ng ulap.
Naghanda ng Handaan ang Diyos
6Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan.
Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
7Sa bundok ding ito'y papawiin niya
ang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa.
8Lubusan#1 Cor. 15:54; Pah. 7:17; 21:4. nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,
at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata.
Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
9Sasabihin ng lahat sa araw na iyon:
“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas,
siya si Yahweh na ating inaasahan.
Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”
Paparusahan ng Diyos ang Moab
10Iingatan#Isa. 15:1–16:14; Jer. 48:1-47; Eze. 25:8-11; Amos 2:1-3; Zef. 2:8-11. ni Yahweh ang Bundok ng Zion,
ngunit ang Moab ay tatapakan;
gaya ng dayaming tinatapak-tapakan sa tambakan ng basura.
11Sisikapin ng mga taga-Moab na igalaw ang kanilang mga kamay na parang lumalangoy sa tubig.
Ngunit sila'y bibiguin ng Diyos hanggang sa sila'y lumubog.
12Ang matataas niyang pader ay iguguho ni Yahweh,
at dudurugin hanggang maging alabok.
Kasalukuyang Napili:
Isaias 25: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society