Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 4:4-8

Mga Taga-Roma 4:4-8 ASD

Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi regalo kundi bayad sa kanyang pagod. Ngunit itinuring tayong matuwid ng Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya. Ito rin ang ibig sabihin ni David nang sabihin niyang pinagpala ang mga taong itinuring na matuwid ng Diyos nang hindi dahil sa kanilang sariling gawa. Sinabi niya, “Pinagpala ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Diyos ang kanyang kasalanan. Pinagpala ang tao na hindi na papanagutin ng Panginoon sa kanyang kasalanan.”