Mga Taga-Roma 4:4-8
Mga Taga-Roma 4:4-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran. Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya't tinawag ni David na mapalad ang taong itinuring na matuwid ng Diyos nang di dahil sa sarili nitong nagagawa. Sinabi niya, “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”
Mga Taga-Roma 4:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi kaloob kundi bayad. Pero itinuring tayong matuwid ng Dios sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya. Ito ang ibig sabihin ni Haring David nang banggitin niya ang pagiging mapalad ng mga taong itinuring na matuwid ng Dios hindi dahil sa kanilang mabubuting gawa. Ang sinabi niya, “Mapalad ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Dios ang kanyang kasalanan. Mapalad ang tao kapag hindi na ibibilang ng Panginoon laban sa kanya ang kanyang mga kasalanan.”
Mga Taga-Roma 4:4-8 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang. Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran. Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa, Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
Mga Taga-Roma 4:4-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran. Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya't tinawag ni David na mapalad ang taong itinuring na matuwid ng Diyos nang di dahil sa sarili nitong nagagawa. Sinabi niya, “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”
Mga Taga-Roma 4:4-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)