Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain. Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma. Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao, at ginawang hari. Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis. Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya. Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway. Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasama. Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway, at lilipulin ang mga may galit sa kanya. Mamahalin ko siya at dadamayan. At sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magtatagumpay siya. Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates. Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama at Dios; kayo ang bato na aking kanlungan at kaligtasan.’ Ituturing ko siyang panganay kong anak, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng hari. Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan; ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman. Ngunit kung ang mga anak niya ay tumalikod sa aking kautusan at hindi mamuhay ayon sa aking pamamaraan, at kung labagin nila ang aking mga tuntunin at kautusan, parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan. Ngunit mamahalin ko pa rin at dadamayan si David. Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya, at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya. Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman gaya ng araw, at magpapatuloy ito magpakailanman katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”
Basahin Salmo 89
Makinig sa Salmo 89
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 89:19-37
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas