Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 88:1-5

Salmo 88:1-5 ASND

PANGINOON, kayo ang Dios na aking Tagapagligtas. Tumatawag ako sa inyo araw-gabi. Dinggin nʼyo ang panalangin ko at sagutin ang aking panawagan. Dahil napakaraming paghihirap na dumarating sa akin at parang mamamatay na ako. Para na akong isang taong nag-aagaw buhay na hindi na matutulungan pa. Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay. Para akong patay na inilagay sa libingan, kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 88:1-5