Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 72:1-14

Salmo 72:1-14 ASND

O Dios, ituro nʼyo po sa hari ang iyong pamamaraan sa paghatol at katuwiran, para makatarungan siyang makapaghatol sa inyong mga mamamayan, pati na sa mga dukha. Sumagana sana ang mga kabundukan upang mapagpala ang inyong mga mamamayan dahil matuwid ang hari. Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol ang mga dukha at durugin ang mga umaapi sa kanila. Manatili sana siya magpakailanman, habang may araw at buwan. Maging tulad sana siya ng ulan na dumidilig sa lupa. Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid sa panahon ng kanyang pamumuno, at maging maayos ang kalagayan ng tao hanggang sa wakas ng panahon. Lumawak sana nang lumawak ang kanyang kaharian, mula sa ilog ng Eufrates hanggang sa pinakadulo ng mundo. Magpasakop sana sa kanya ang mga kaaway niyang nakatira sa ilang. Magbigay sana ng mga kaloob sa kanya ang mga hari ng Tarshish, ng malalayong isla, ng Sheba at Seba. Magpasakop sana ang lahat ng hari sa kanya at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya. Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukha na humingi ng tulong sa kanya. Kahahabagan niya ang mga dukha at nangangailangan at silaʼy kanyang tutulungan. Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 72:1-14