Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 72:1-14

Mga Awit 72:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran, sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan; nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana; maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap, mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap; at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak. Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang, hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang. Ang hari sana'y matulad sa ulan ng kaparangan; bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay. At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan, maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman. Nawa kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak, mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang; isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway. Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya. Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya. Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina. Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.

Mga Awit 72:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran. Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi. Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, at habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi. Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok. Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin

Mga Awit 72:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran, sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan; nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana; maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap, mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap; at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak. Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang, hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang. Ang hari sana'y matulad sa ulan ng kaparangan; bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay. At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan, maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman. Nawa kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak, mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang; isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway. Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya. Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya. Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina. Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.

Mga Awit 72:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, At ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, At ang iyong dukha, ng kahatulan. Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, At ang mga gulod, sa katuwiran. Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, At pagwawaraywarayin ang mangaapi. Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi. Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; At hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok. Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; Ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; At ang dukha na walang katulong. Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin