Kaya manalangin sana ang lahat ng matapat sa inyo, habang may panahon pa. Kung dumating man ang kapighatian na parang baha, hindi sila mapapahamak. Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan. Sinabi ng PANGINOON sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan. Huwag kang tumulad sa kabayo o mola na walang pang-unawa, na kailangan pang rendahan upang mapasunod.” Maraming hirap ang mararanasan ng taong masama, ngunit mamahalin ng PANGINOON ang sa kanya ay nagtitiwala. Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa PANGINOON. Kayong mga namumuhay ng tama, sumigaw kayo sa galak!
Basahin Salmo 32
Makinig sa Salmo 32
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 32:6-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas