Mga Awit 32:6-11
Mga Awit 32:6-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, at sa bugso ng baha'y di sila aabutin. Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah) Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.” Labis na magdurusa ang taong masama, ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya. Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!
Mga Awit 32:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya manalangin sana ang lahat ng matapat sa inyo, habang may panahon pa. Kung dumating man ang kapighatian na parang baha, hindi sila mapapahamak. Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan. Sinabi ng PANGINOON sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan. Huwag kang tumulad sa kabayo o mola na walang pang-unawa, na kailangan pang rendahan upang mapasunod.” Maraming hirap ang mararanasan ng taong masama, ngunit mamahalin ng PANGINOON ang sa kanya ay nagtitiwala. Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa PANGINOON. Kayong mga namumuhay ng tama, sumigaw kayo sa galak!
Mga Awit 32:6-11 Ang Biblia (TLAB)
Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya. Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah) Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo. Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot. Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.
Mga Awit 32:6-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, at sa bugso ng baha'y di sila aabutin. Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah) Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.” Labis na magdurusa ang taong masama, ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya. Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!
Mga Awit 32:6-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya. Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah) Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo. Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: Nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot. Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.