Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 31:1-5

Salmo 31:1-5 ASND

PANGINOON, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan. Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. Ipinauubaya ko sa inyo ang aking sarili. Iligtas nʼyo ako, PANGINOON, dahil kayo ang Dios na maaasahan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 31:1-5