Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 18:31-40

Salmo 18:31-40 ASND

Kayo lang, PANGINOON, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin. Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan, kaya hindi ako natitisod. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan. Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kalaban. Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin, at silaʼy pinatay ko.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 18:31-40