Magpasalamat kayo sa PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa PANGINOON ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga panganay na anak ng mga Egipcio. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Egipto. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya sila sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Hinawi niya ang Dagat na Pula. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At pinatawid niya sa gitna nito ang mga taga-Israel. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ngunit nilunod niya roon ang Faraon at ang kanyang mga kawal. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatnubayan niya ang kanyang mga mamamayan sa ilang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga dakilang hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ibinigay niya ang kanilang lupain sa kanyang mga mamamayan bilang pamana. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At ang lupaing itoʼy naging pag-aari ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa ating abang kalagayan, hindi niya tayo kinalimutan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Basahin Salmo 136
Makinig sa Salmo 136
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Salmo 136:1-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas