Mga Awit 136:1-26
Mga Awit 136:1-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Mga Awit 136:1-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magpasalamat kayo sa PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa PANGINOON ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga panganay na anak ng mga Egipcio. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Egipto. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya sila sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Hinawi niya ang Dagat na Pula. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At pinatawid niya sa gitna nito ang mga taga-Israel. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ngunit nilunod niya roon ang Faraon at ang kanyang mga kawal. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatnubayan niya ang kanyang mga mamamayan sa ilang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga dakilang hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ibinigay niya ang kanilang lupain sa kanyang mga mamamayan bilang pamana. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At ang lupaing itoʼy naging pag-aari ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa ating abang kalagayan, hindi niya tayo kinalimutan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Mga Awit 136:1-26 Ang Biblia (TLAB)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At kinuha ang Israel sa kanila: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At pumatay sa mga bantog na hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At kay Og na hari sa Basan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At iniligtas tayo sa ating mga kaaway: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mga Awit 136:1-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Mga Awit 136:1-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng araw upang magpuno sa araw: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At pumatay sa mga bantog na hari: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At kay Og na hari sa Basan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: At iniligtas tayo sa ating mga kaaway: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.