Pupurihin ko ang PANGINOON! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Pupurihin ko ang PANGINOON, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan. Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman. Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag. Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay. Kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila. Ang PANGINOON ay matuwid sa paghatol; binibigyang-katarungan ang lahat ng inaapi. Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan, at inihayag sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan. Ang PANGINOON ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. Hindi siya palaging nanunumbat, at hindi nananatiling galít. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.
Basahin Salmo 103
Makinig sa Salmo 103
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 103:1-12
5 Days
‘Tis the season to be jolly, but also very busy. Come away for a few moments of rest and worship that will sustain you throughout the merry labors of the season. Based on the book Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional , this 5-day devotional reading plan will guide you to receive Jesus’ rest this Christmas by taking moments to remember His goodness, express your neediness, seek His stillness, and trust His faithfulness.
7 Araw
Ako ba'y walang karamdaman sa buhay? Sa mga susunod na 7 araw, alamin kung paano makakuha ng mga susi para buksan ang isang masidhing buhay na ipinamumuhay para kay Cristo muli.
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa Fruit of the Spirit
7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas