Ang paggalang sa PANGINOON ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa. Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay. Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan. Ang kamangmangan ay katulad ng isang babaeng maingay, hindi marunong at walang nalalaman. Nakaupo siya sa pintuan ng kanyang bahay o sa upuan sa mataas na lugar sa lungsod, at tinatawag ang mga dumadaan na papunta sa kanilang trabaho. Sabi niya, “Halikayo rito, kayong mga walang karunungan.” At sinabi pa niya sa walang pang-unawa
Basahin Kawikaan 9
Makinig sa Kawikaan 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 9:10-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas